Ang babae sa pagdaralita ni Joi Barrios
- talambuhay ng may akda
Mas kilala bilang Joi Barrios sa
kanyang mga akda, si Maria Josephine Barrios ay ipinanganak noong Hunyo 26,
1962 sa Lungsod Quezon. Nakamit niya ang kanyang doktorado sa Filipino
(Literature) sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1998. Kilala rin si Barrios bilang
isang makata, aktibista, tagasulat ng senaryo, artista, translator at guro. Sa
kasalukuyan ay isa siyang visiting professorsa Philippine Studies Program ng
Osaka University of Foreign Studies at kasapi rin siya ng Congress of Teachers
and Educators for Nationalism and Democracy
http://tl.mgamaiiklingkwentongisinulatngisangpilipinoawtor.wikia.com/wiki/Talambuhay_ng_Awtor_na_si_Maria_Josephine_%22Joi%22_Barrios
PAGSUSURI
- Ang kayarian ng tula ay nasa MALAYANG TALUDTURAN dahil hindi isinasaalng-alang ang sukat at tugmaan sa bawat taludtod.
- Walang sukat ang saknong at 40 taludtod
- panauhan: mga kababaihan- biktima sa tula
- suliranin: pagkaanuso sa kahirapan ng isang babae
FEMINISMO Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
- kahinaan babae
" Babae akong sinasakmal ng kahirapan.
Kahirapan na mistulang
ahas sa damuhan" (taludtod 1-2)
"pumupulupot ang ulupong,
itong paghihikahos, sa aking katawan,
at tumatakas ang lakas." (taludtod 7-9)
paliwanag:
Ang mga talata ay nagpapakita na ang mga babae ay naabuso sa kanilang kahirapan. Mga babae kadalasan ang nabibiktima sa kadahilanang ang tingin sa kanila ay mahina. Sila ay nasasakal sa ganitong pagtrato sa kanila sa lipunan.
Maihahalintulad din ito sa taong walang kakayanan maipagtanggol ang sarili. Sila ay naabuso sapagkat may mga taong mapagsamantala at di nagpapahalaga sa kapwa. May ilan sa mga tao ngayon na ginagamit ang kanilang lakas hindi para makatulong bagkus upang mapaglamangan ang mahihina.
- pagkatakot
"Nakatitig ang walang talukap
na mga mata ng sawa,
Nanlilisik,
pagkat batid na walang palya
sa paghatid ng lason
ang pangil ng pagdaralita
Anong gagawin ng babae
sa kanyang karukhaan?" (taludtod 10-17)
paliwanag:
Sa mga mata ng sawa makikitang ito'y nakatingin sa kanyang bibiktimahin na siyang magiging dahilan ng iyong pagkatakot at pagsawalang-kibo. Inihalintulad sa isang sawa ang pagkadaralita ng babae na tila baga isang lason na nagdudulot ng kawalang pag-asa sa biktima na magiging sanhi ng pagkaduwag at pag-iisip na siya'y wala ng magagawa.
Sa panahon ngayon mas dumarami ang mahihirap kaysa sa mga nakakaangat sa buhay. Nagiging sanhi ito upang ang iba ay maduwag o matakot na lumaban sa mga sawa o pagkadaralita na dinadanas nila. Mas pinipili pa ng iba na huwag na lang lumaban o magsawalang-kibo na lang sa problemang kanilang hinaharap. Ang lason ng Lipunan ay hindi ang pagkadralita kundi ang pagsawalang-kibo upang labanan ang pagkadaralita.
• palaban at mapagmahal
patunay:
"nasa ating mga babae ang pakikibaka!
Kung paanong sa gabi at sa araw
ay wala tayong humpay sa paggawa,
Kung paanong sabay na lumalaban at nag-aaruga
Matibay ang dibdib pagkat mapagkalinga
ang ating pag-ibig" (taludtod 26-31)
paliwanag:
Palaban at mapagkalinga ang isa sa mga katangian ng mga babae. Pinapakita sa mga talata na kayang ipaglaban ng mga babae ang kanilang karapatan sa lipunan kagaya ng walang humpay nilang paggawa sa mga gawaing bahay at pag-aaruga sa pamilya. Sa panahon noon, ang babae ay limitado lamang ang maaaring gawin at itinuturing na mahina sa lipunan ngunit ngayon ay maaari ng gawin ng isamg babae ang kayang gawin ng isang lalaki.
Kagaya ng pagtingin sa kalagayan ng babae sa isang lipunan, makakaya din ng bawat isa na tumingin ng patas sa kapwa nila. Kung paanong ipinakita ng mga kakabaihan ang halaga nila sa lipunan ay maaari din maipakita ng bawat isa ang halaga nila sa lipunan. At higit sa lahat kaya nating gawing kalakasan ang ating mga kahinaan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento